LIBRENG KAPON PARA SA ALAGANG ASO AT PUSA SA ALAMINOS CITY, ISINAGAWA

Isang libreng kapon o Castration at Spaying para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Alaminos City ang isinagawa matapos itong pangunahan ng lokal na pamahalaan nito.
Ang aktibidad na ito ay may layunin na maiwasan ang mga hindi inaasahan at hindi kagustuhang pagbubuntis ng mga alagang hayop.
Makatutulong rin ito na mabawasan ang mga nagkalat sa lansangan at maging responsableng Pet Owners.

Nagpasalamat naman alkalde ng lungsod sa laha tng mga taong nanguna sa pagsasagawa ng aktibidad na ito, una na riyan ang City Veterinary Office katuwang ang mga kawani ng Philippine Animal Hospital Association (PAHA), Animal Kingdom Foundation (AKF) at Office of the Provincial Veterinarian (OPVET). |ifmnews
Facebook Comments