CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng libreng konsultasyon ang hanay ng Santiago City Health Office kasama si Dr. Ma. Corazon Aquino sa Lungsod ng Santiago.
Ito ay magaganap sa pamamagitan ng Santiago City Physical Therapy Rehabilitation and Wellness Center sa ika-11 ng Oktubre mula alas otso ng umaga hanggang alas onse ng umaga.
Prayoridad ng aktibidad ang mga pasyenteng may karamdaman katulad ng stroke, parkinson’s disease, traumatic brain injury, spinal cord injuries, osteoporosis at arthritis. Kasama rin dito ang mga may post-surgical orthopedic cases, sport injuries, work-related injuries, low back pain, carpal tunnel syndrome at children with special needs kagaya ng cerebral palsy.
Kaugnay nito, inaanyayahan naman ang lahat ng mayroong karamdamang nabanggit na magpakonsulta upang mabenepisyuhan ng libreng konsulta.