Para makatulong ngayon nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa Coronavirus disease o COVID-19, nakipagtulungan na ang Department of Health (DOH) sa Telimed Management Inc. At medgate para makapagbigay ng libreng telemedicine consultations.
Ayon sa doh – ito ay para sa mga COVID-19 patients na nangangailangan ng medical advice gayundin sa mga non-COVID-19 primary care consultations
Simula ngayong araw, April 7. Ang mga residente ng National Capital Region (NCR) ay maari nang tumawag sa 24/7 sa telemedicine hotline na 02-8424-17-24 para komunsulta sa doktor ng libre.
Siniguro naman ng DOH sa publiko na ang lahat ng makakausap na doktor sa naturang linya ay pawang mga lisensyado at sertipikadong magbigay ng telemedicine consultation.
Ang naturang telemedicine line ay iba pa sa mismong COVID-19 hotline ng DOH na 02-8942-68-43.