Maghahandog ng libreng concert ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinamagatang “Musikalayaan 2023” bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan.
Gaganapin ang konsyerto sa Manila Rizal Park Open-Air Auditorium sa Hunyo 11.
Ang aktibidad na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”, ay magtatampok ng talento ng mga miymebro ng militar, kasama ang ilang mga sikat na performers.
Ayon kay AFP Media and Civil Affairs Group Commander Major Cenon Pancito III, pagkakataon ito mga tagapagtangol ng bansa na isulong ang “national pride.”
Kabilang sa mga kalahok na banda ang: 2ID Jungle Fighter Band, Bureau of Fire Protection Band at iba pa.
Ilan din sa mga magpe-perform ay sina ang mang-aawit at aktor Reservist 1Lt Ronnie Liang PA, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) group ng San Juan at maraming iba pa.