
Isinulong ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na gawing libre ang kuryente ng mga pamilyang mababa ang konsumo.
Nakapaloob ito sa inihain ni Marcos na house bill 2700 o panukalang “free electricity for low-consumption households act.”
Target ng panukala na buwagin ang kasalukuyang cross-subsidy system para palitan ng direct government subsidy na sasagot sa electricity bills ng mga kwalipikadong households na pasok sa monthly threshold.
Sa ilalim nito ay hindi rin papatawan ng 12% na value-added tax o vat ang bahaging sasagutin ng pamahalaan.
Batay sa panukala ni Rep. Marcos, ang eligible household ay may average monthly consumption na hindi lalampas sa 135 kilowatt-hours sa loob ng tatlong buwan o monthly bill na hindi hihigit sa 2,000 pesos.










