Libreng laba, alok ng isang kompanya para sa mga nasalanta ng bagyo

Nag alok ng libreng laba ang isang kumpanya para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ito ay sa ilalim ng kanilang relief initiative na “Cycles of Care,”

Nagsimula ang 3-linggong programa ngayong araw July 26, 2025 sa Save5 Laundry Center sa Nepa Q Mart, Cubao, Quezon City, kung saan libreng nalabhan ng mga residente ang kanilang mga damit at kumot.

Bukas ang serbisyo para sa mga nasalanta at available ito sa 30 sangay ng laundry shop sa buong Metro Manila bilang tulong sa unti-unting pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Facebook Comments