Para sa mga Tennis enthusiast, mapa bata o matanda – pwedeng pwedeng makilahok sa libreng Lawn Tennis Training na handog ng Local Government Unit ng Urbiztondo para sa kanilang mga kababayan.
Tiyak hindi lamang sisigla ang katawan, tatalas ang isipan, kundi made-develop din ang sportsmanship ng mga sumasailalim sa training na ito.
Bagamat bukas sa lahat ang nasabing programa, tanging mga edad 9 to 15 years old ang mga sumasabak sa kanilang Municipal Tournaments.
Kada araw ng Linggo ganap na alas-sais ng umaga, sa Urbiztondo People’s Park sumasabak sa training ang mga ito sa pangunguna ni head coach Raul Bautista.
Sinimulan ang libreng Lawn Tennis Training na ito Nobyembre ng taong 2022 through Urbiztondo Sports Development Council at agad namang nagkaroon ng kauna-unahang tournament noong February 5, 2023.
Ayon sa Municipal Information Officer, Scarlyn Hermogeno, sa ngayon ay pansamantalang ginaganap sa Brgy. Pasibe East covered court ang training na siya namang regular na binibisita ng alkalde (Mayor Modesto M. Operania) upang tuluyang matutukan ang naturang programa na siyang lilinang sa galing at talento ng mga taga Urbiztondo pagdating sa larangan ng sports na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









