LIBRENG LEGAL AID SA KABABAIHAN, PINAANDAR SA VILLASIS PARA SA WOMEN’S MONTH 2026

Umarangkada ang libreng serbisyong legal para sa kababaihan sa programang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Villasis alinsunod sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026.

Pinangunahan ng Integrated Bar of the Philippines – Pangasinan Chapter ang pagbibigay ng libreng legal assistance at symposium hinggil sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (R.A. 9262) at Bawal Bastos Law (R.A. 11313).

Bahagi ito ng mandato ng IBP na mapalapit ang serbisyong legal sa publiko.

Bukod dito, nagkaroon din ng libreng zumba session, haircut, manicure at pedicure, at back and foot massage ang mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga nakibahagi iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang sanib-pwersang isulong ang mga serbisyong nararapat makuha ng kababaihan mula sa kanilang kontribusyon sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments