LIBRENG LUGAW ON WHEELS, IPINAMAHAGI SA ILANG RESIDENTE NG BINMALEY

Hindi masukat ang ligayang dala ng handog sa ilang residente sa Binmaley nang makatanggap ng mainit at libreng lugaw na inilibot sa mga barangay.

Nagsilbing pag-asa sa gitna ng pagsubok ang tulong na nagmula sa isang anonymous sponsor na nagpaabot ng mainit-init na lugaw sa bawat apektadong residente sa bayan.

Bagamat simpleng pagkain lamang ang naibahagi, bawat kutsara at higop sa mainit na lugaw ay patunay na hindi nasusukat sa pera ang yaman sa mundo kundi sa kabutihan ng puso.

Ang libreng lugaw na ito ay hindi lamang panlaman sa sikmura kundi pampainit din ng puso ngayong higit kinakailangan para makabangon.

Bukod dito, asahan pa ng mga apektadong Binmalenian ang pagdating ng relief goods upang maitawid ang pamumuhay pagkatapos ng unos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments