Libreng maliliit na halaman, ipinamimigay sa Cavite

Courtesy Facebook/Happy Green Thumb

Namimigay ng libreng halaman ang may-ari ng isang tindahan sa palengke ng Anabu-Coastal Cavite.

Sa nakatutuwang post ng Happy Green Thumb, makikita ang litrato ng mga halamang nakalagay sa recycled bottles. Mayroon rin instructions kung paano ito aalagaan.

Ang simpleng hiling ng mga namamahala sa gustong i-uwi ang halaman, magpaalam ng maayos sa kanilang guard o janitor.


“Do GOOD DEEDS! Spread GOOD VIBES!! Tuwang-tuwa ako kanina nung madaanan ko ‘to sa gilid ng palengke ng Anabu-Coastal sa Cavite. Kabababa ko lang ng tricycle at maghahanap lang sana ako ng ATM nung nakita ko ito. FREE small plants basta magpaalam lang sa guard. I also give away seedlings for free kaya natuwa ako na may iba rin pala na gumagawa ng ganito.”

Humanga naman ang environment advocate sa adbokasiya ng stall owners.

“May oregano, basil, kalanchoe, sili, at iba pa. Kung sino man ang tao sa likod ng proyektong ito, mabuhay po kayo!!

Aniya, kung magkakaroon ng ganitong panuntunan ang madla, maaring pumitas ng halamang gamot, gulay, at prutas sa sariling bakuran.

 

 

Facebook Comments