Isang espesyal na pamaskong regalo ang hatid ng lokal na pamahalaan ng Binmaley para sa kanilang mga residente ngayong taon, ito ang libreng buhay na manok!
Isang truck na punong-puno ng buhay na manok ang umiikot sa iba’t ibang barangay upang mamahagi sa mga pamilya.
Nag-uumapaw ang saya ng mga residente habang bitbit ang kanilang natanggap na manok, na maaaring gawing tinola, adobo, fried chicken, o afritada para sa kanilang mga hapag-kainan.
Ang libreng pamamahagi ng manok ay patuloy pang isinasagawa sa mga natitirang barangay, upang siguraduhing lahat ay makakatanggap ng biyayang ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments