Libreng mass swab testing sa Maynila, ipagpapatuloy ngayong araw

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagpapatuloy ngayong araw ng Lunes ang libreng mass swab testing sa lungsod.

Partikular itong gagawin sa mga public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Ang libreng mass swab testing sa Maynila ay pansamantalang itinigil dahil sa Christmas break.


Ipagpapatuloy ito ngayong araw hanggang sa December 30 at muling sususpindihin sa December 31 hanggang sa January 3 ; at muling ipagpapatuloy sa January 4.

Layon ng mass swab testing sa lungsod na mapigil ang lalo pang pagkalat at pagtaas ng COVID-19 sa Maynila.

Facebook Comments