Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing ng Manila Health Department (MHD) sa kabila ng mga pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Kabilang dito ang libreng home swab testing sa iba’t ibang barangay upang mabigyan ng kapanatagan ang mga residente sa lungsod.
Paraan rin ito para matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa COVID-19.
Bukod dito, regular na isinasagawa ang libreng swab testing para sa lahat sa may Sta. Ana Hospital kasabay ng drive thru swab testing sa Quirino Grandstand.
Maging ang free swab testing para sa mga public utility drivers, mall workers, hotel employees, at market vendors sa lungsod sa kasalukuyang rin ikinakasa.
Tinitiyak naman ng MHD na ang lahat ng mga nag-positibo sa lungsod ay naipapadala agad sa Quarantine Facilities hangga’t kayanin ng kapasidad ng mga ito.