Libreng Mass Testing sa COVID-19 sa Laoag City nagmistulang ‘Open Market’

48

iFM Laoag – Nagmistulang open market o talipapa ang isinagawang libreng mass testing sa Laoag City nang dagsain ito ng mga tao.

Ayon sa isang concerned citizen nag-upload ng litrato, nadaanan niya ang mga ito at kapansin-pansin ang dami ng tao na halos hindi na nasunod ang social distancing at ang iba ay nakataas pa ang mga faceshield.


Maraming netizens ang dismayado at nagkomento sa isang post ng isang Facebook Page ng mga litrato ng nasabing libreng testing.

Kwinestiyon ng mga ito kung sino ang nag-organisa ng nasabing libreng testing na kahit may mga pulis na nakabantay ay hindi pa rin nila nasunod physical distancing at alituntunin sa mass gathering. #iBalita

Facebook Comments