Libreng matrikula, ibibigay sa mga karapat-dapat na mga estudyante ayon sa DepEd

Manila, Philippines – Naniniwala si Education Sec. Leonor Briones na sa mga estudyanteng karapat-dapat maibibigay ang libreng matrikula.

Inihalimbawa ng kalihim ang dati pang umiiral na income bracketing sa University of the Philippines kung saan nagsusumite ng mga dokumento ang mga estudyante para suportahan ang kanilang application para sa libreng tuition.

Nabatid na bago naisabatas ang Free Education Law ay nagsabi na ang Budget Department na posibleng hindi kayanin ng pamahalaan na pondohan ito.


Facebook Comments