Manila, Philippines – Naniniwala ang Commission on Higher Education (CHED) na kakayanin ng gobyerno ang libreng matrikula sa kolehiyo.
Sa estimate ng CHED, aabutin lang sa 34-bilyong piso ang full implementation ng batas.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera – kapag biglang itinigil ang programa, tiyak na marami ang hihinto sa pag-aaral.
Sakali kasing i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang free higher education law, ngayong taon lang maipatutupad ang free tuition sa mga SUC.
Sa datos ng DepEd sa pitong milyon na nagtatapos ng high school, tatlong milyon lang ang nakakapag-kolehiyo.
Sa kabuuang bilang, wala pang isang milyon ang nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan walang pang-matrikula.
Facebook Comments