Manila, Philippines – Nanganganib na hindi na matuloy ang libreng tuition fee sa mga State Universities and Colleges o SUC’s sa susunod na taon.
Ito’y matapos na mapag-alaman na hindi napasama sa proposed 2018 National Expenditure Program (NEP), na isinumite ng Malacañang ang higher education support fund ng CHED na magpopondo sa libreng tuition fee sa State Universities.
Dahil dito, umalma sina ACT Teachers Partylist Reprentatives Antonio Tinio at France Castro.
Ayon sa kanila, isa itong malaking dagok sa mga iskolar partikular na sa mga medical students dahil napakabigat para sa kanila na punan ang gastos sa kanilang pag-aaral.
Dagdag pa ni Tinio, posible rin na hindi na umano makapagpatuloy ang ilang mag-aaral sa kanilang pag-aaral dahil sa taas ng matrikula sa kursong kinukuha ng mga ito.
Libreng matrikula sa mga State Universities at Colleges, nanganganib na mawalan ng pondo sa 2018 national budget
Facebook Comments