Libreng matrikula sa State Universities at Colleges, ipinatupad na ng Commission on Higher Education

Manila, Philippines – Ipinatupad na ng Commission on Higher Education (CHED) ang libreng matrikula sa State Universities and Colleges o SUC’s.

Paliwanag ni CHED Commissioner Popoy De Vera – ang walong bilyong pisong pondo na inilaan ng gobyerno at mula rin sa nakoleta nilang tuition free noong nakaraang school year.

Paglilinaw pa ni De Vera – ang matrikula lamang ang libre at maniningil pa rin ng miscellaneous fees.


Ang mga ibang estudyante ng hindi sakop ng libreng tuition ay ira-ranggo na naayon sa income ng kanilang pamilya.

Sa tala ng CHED, nasa 113 SUC’s ang sakop ng libreng tuition program ng pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments