LIBRENG MEDICAL CERTIFICATE, HANDOG SA MGA DAGUPEÑONG MAG-AARAL BAGO MAG-OJT

Maari nang makakuha ng libreng medical certificate ang mga Dagupeñong mag-aaral na magsisimula na ng internship o on-the-job training.

Ayon kay Dagupan City Committee of Health and Sanitation Chair Councilor Jalice Cayabyab, suporta sa mga kabataan ang naturang inisyatibo na makatutulong magbigay motibasyon upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Layunin nitong mabawasan ang gastos para sa mga kinakailangang requirements ng paaralan o kumpanya, at sa halip ay mas pagtuunan ng pansin ang kanilang pagsasanay para sa propesyonal na pag-unlad.

Para sa mga nais makakuha ng naturang dokumento, dumulog lamang sa opisina ng opisyal upang maalalayan makuha ito nang libre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments