Libreng Medical Mission, Ihahandog sa mga Cauayeño!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang magsagawa ng libreng gamutan ang 98.5 iFM Cauayan katuwang si Dr. Rudy Liwanag para sa proyektong “Lunas Kalusugan” na gaganapin sa ika-labing isa at labindalawa ng Mayo sa taong kasalukuyan.

Ito ay isasagawa sa himpilan ng 98.5 iFM Cauayan na matatagpuan sa 4th floor, OMA Bldg, Rizal Avenue, District 2, Cauayan City at magsisimula sa ganap na alas syete ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Ang nasabing medical mission ay bilang bahagi ng nakagawian ng pagtulong ni Dr. Rudy Liwanag sa mga may sakit.


Ayon kay Dr. Liwanag, marami anya sa mga Cauayeño ang may sakit sa mata at iba pang mga karamdaman kaya’t nais nitong makatulong sa kanyang kapwa na nangangailangan ng tulong.

Hinihimok naman ng doktor ang lahat na makilahok sa kanilang ilalargang libreng gamutan upang masuri at mabigayn ng lunas ang mga iniindang karamdaman.

Payo nito na mahalaga anya ang kalusugan kaya’t marapat lamang na ating pangalagaan.

Facebook Comments