Libreng medical mission, isinagawa para sa mga PDL ng Manila City Jail

Nagsagawa ng libreng medical mission ang mga doctor mula sa University of the Philippines (UP) College of Medicine para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa Manila City Jail Male Dormitory.

Ilan sa mga benepisyong ibinigay sa mga inmate ay ang pagmonitor ng sugar, medical consultations, optical examinations, at iba pang medical procedure na nangangailangan ng tulong at gamutan.

Namahagi rin ang mga doctor ng mga tamang gamot at mga vitamins, para mapanatili ang malusog na pangangatawan ng mga inmate.


Nagbigay rin sila ng food packs na bahagi ng feeding program para sa nasabing piitan.

Nagpasalamat naman ang buong kawani ng Manila City Jail, dahil malaking tulong anila ang nabanggit na medical mission.

Facebook Comments