Libreng medical service ng lungsod ng San Juan, mas pinalawak pa

21

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan na hindi lang limitado sa public hospital ang mga medical service na libreng ibinibigay sa mga residente nito.


Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nakipagkasundo ang pamahalaang lungsod sa ilang medical facilities upang matiyak na mabigyan ang mga residente nito ng kumpletong serbisyong medikal.

Upang matugunan aniya ang mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan ng San Juan.

Ang naturang inisyatibo ay sa pangunguna ng tanggapan ni Congressman Ronny Zamora, sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Bel Zamora ng Congressional District Office Head.

Para sa detalye ng pag-avail nito ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Public Assistance Center o PAC na nasa upper ground floor ng San Juan City Hall.

Facebook Comments