Libreng nood sa sinehan para sa mga bata hanggang Dec. 17

Maaari nang manood nang libre ang mga bata sa SM Cinema simula Hulyo hanggang Disyembre dahil sa “Kids Watch For Free” promo ng mall.

Sa promo na ito, makalilibre ng isang ticket sa mga piling kid-friendly movies ang mga batang may taas na 4 feet at mas mababa pa, at may kasamang magbabayad na matanda.

“First come, first served” naman ang panuntunan para sa upuan.


Papipiliin ng pupuwestuhan sa oras na makabili na ng ticket ang kasamang matanda at natignan na ang height ng bata sa counter.

Maaaring i-avail ang promo sa lahat ng SM Cinemas, IMAX, at Director’s Club branches sa buong bansa.

Narito ang listahan at schedule ng mga pelikulang maaaring panoorin nang libre:

  • Elephant Soliman: June 19 – July 2
  • Toy Story 4: July 3 – July 17
  • The Lion King: July 31 – August 13
  • Luis and the Aliens: July 24 – July 30
  • Cinderella: August 7 – August 13
  • Playmobil: August 14 – August 20
  • Princess in Wonderland: September 4 – September 18
  • Shaun the Sheep: October 9 – October 15
  • Marnie: October 16 – October 29
  • Maleficent 2: October 30 – November 13
  • Frozen 2: December 4 – December 17
Facebook Comments