
Isinusulong ni Senator Mark Villar ang panukalang “Teachers’ Home in School Act” na layong bigyan ng libreng on-site na matitirhan ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Layunin ng panukalang ito na matulungan ang mga guro lalo na ang mga nakatira sa malayo mula sa paaralang pinagtuturuan.
Binigyang diin ni Villar na ang panukala ay para bigyan ng ligtas at disenteng matitirhan ang mga guro habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Marami aniya sa mga guro ang nagtuturo sa mga pinakamalalayong bayan, malayo rin sa kanilang mga pamilya at karaniwang nagrerenta ng kwarto para mas mapalapit sa paaralan at sa mga estudyante.
Ipinunto rin ni Sen. Mark na ang pagtiyak ng safe living conditions ng mga guro ay hindi lamang magpapagaan sa kanilang pamumuhay kundi mapapalakas din nito ang kakayahan ng ating mga public school teacher habang hinuhulma ang mga kabataan sa kanilang pagaaral para sa mas magandang kinabukasan.









