Marami-rami na ang mga naka-avail sa mobile screening ng Tebow CURE Hospital na nakabase sa Davao City subalit patuloy na pinalalawak nito ang kanilang serbisyo sa ibang lalawigan tulad sa Maguindanao.
Sapanayam ng DXMY ngayong umaga kay Ramil Mama, PERSONS WITH DISABILITIES AFFAIRS OFFICE Chief ng Parang, Maguindanao, sa bayan pa lamang ng Parang ay mayroon nang 20 mga batang may deperensya sa buto ang naka-pag-pascreening at inaasahang madadagdagan pa ang naturang bilang mula sa iba pang bahagi ng lalawigan at maging mula dito sa Cotabato City ,North Cotabato at Maguindanao.
Ang Tebow CURE Hospital ay nag-aalok ng pediatric orthopedic surgical care, tumutulong sa mga batang may treatable conditions tulad ng clubfoot at spinal deformities pati na mga may bingot.
Hinihikayat ni Mama ang mga magulang ng mga batang edad 18 anyos pababa na may spinal deformities at cleft palate na samantalahin ang mambihirang pagkakataon na maka-avail ng libreng operasyon handog ng Tebow CURE Hospital.
Maari anyang makipag-ugnayan sa kanya ang mga magulang na nais maka-avail ng naturang serbisyo.
Gagawin ang screening sa November 28 , sa bayan ng Parang Maguindanao.(Daisy Mangod)