Thursday, March 26, 2026

LIBRENG OPERATION TULI SA ALAMINOS CITY, ISASAGAWA SA ABRIL

Inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City ang mga kabataang lalaki na makiisa sa isasagawang Libreng Operation Tuli 2026, bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng lungsod. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng ligtas at libreng serbisyong medikal para sa mga kabataan.

Gaganapin ang libreng tuli sa City Health Office Building sa Poblacion, Alaminos City, Pangasinan sa mga petsang Abril 11, 12, 19, at 26, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Bukas ang programa para sa lahat ng kabataang nais magpatuli at ganap na libre ang serbisyong ibibigay.

Ayon sa anunsyo, hanggang 100 kabataan lamang kada araw ang tatanggapin sa aktibidad at ito ay ipatutupad sa first come, first served basis. Dahil dito, hinihikayat ang mga interesadong kalahok na dumating nang maaga upang masiguro ang slot.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa City Health Office Alaminos o personal na magtungo sa kanilang tanggapan. Layunin ng programa na mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng mga kabataan sa lungsod sa pamamagitan ng serbisyong medikal na abot-kamay ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments