LIBRENG ORAL CHECK-UP, ISINAGAWA SA SANTIAGO CITY

CAUAYAN CITY – Nabenepisyuhan ng libreng oral check-up ang mga Santiagueños mula sa Santiago City Health Office bilang bahagi ng pagdiriwang ng Oral Health Month2025.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Pamilya, Una Kong Dentista,” na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng pamilya sa pagpapanatili ng malusog na ngipin at bibig.

Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ay ang Brgy. Sinili, Cabulay, Salvador, San Jose, Sagana, at Nabbuan, kung saan maraming pamilya at day-care students ang nakinabang sa libreng dental check-up, fluoride application, pit and fissure sealants, ART, at Oral Urgent Treatment (OUT).


Nagbigay din ng Oral Health Family Packages upang matulungan ang mga pamilya sa patuloy na pangangalaga ng kanilang bibig at ngipin.

Ang aktibidad ay bahagi ng layunin ng Santiago City Health Office na mapalakas ang kamalayan at access sa de-kalidad na serbisyong pang-oral health para sa mas malusog na komunidad.

Facebook Comments