LIBRENG PAGBABAKUNA KONTRA RABIES, PINAIGTING SA SAN CARLOS CITY

Pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ang libreng pagbabakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lungsod laban sa rabies.

Ayon sa City Veterinary Office, isinasagawa ang libreng pagbabakuna mula ngayong araw, Enero 13, hanggang 15, 2026 sa iba’t ibang barangay upang mas maraming alagang hayop ang mabigyan ng proteksyon at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.

Hinikayat ng tanggapan ang mga pet owner na ihanda ang kanilang mga alagang aso at pusa sa itinakdang iskedyul ng pagbabakuna upang maging maayos at mabilis ang proseso.

Layunin ng programa na mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at mabawasan ang banta ng rabies sa lungsod sa pamamagitan ng regular at malawakang pagbabakuna ng mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments