LIBRENG PAGKABIT NG KURYENTE, HANDOG SA MGA SAMBAHAYAN SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Handog muli ang programang Free Electrification Program o ang libreng pagkakabit ng kuryente sa mga sambahayan sa bayan ng San Nicolas mula sa lokal na pamahalaan ng bayan.
Nasa isang daan at dalawampung sambahayan naman ang mapaglalaanan ng pondo upang mabenipisyuhan ng nasabing programa.
Saklaw nito ang pagkabit ng libreng kilowatt meter, drop wires, at mga outlets.

Layon ng nasabing programa na mabenipisyuhan ang mga residenteng walang kakayahang magkaroon ng sariling koneksyon ng kuryente dahilan ang mahal na nitong gagastusin, gayundin ang mga madikitan ang mga kabahayang wala pang linya na malayo sa kabihasnan.
Samantala, bukas ang tanggapan ng LGU San Nicolas sa mga nais pang makakuha ng libreng programa, kinakailangan lamang magfill out ng accomplished form, validation, at sa pagpasa ng mga kaukulang papeles katulad ng photocopy ng identification card ng aplikante, barangay clearance, at certificate of indigency. |ifmnews
Facebook Comments