LIBRENG PAGPAPAGILING NG BIGAS, BUKAS SA MGA MAGSASAKA SA VILLASIS

Napapakinabangan na ng mga kwalipikadong magsasaka sa Villasis ang Free Rice Milling Operations sa Palay Drying Warehouse sa Brgy.Unzad.

Bukas sa mga farmer-clients na residente sa bayan at rehistrado sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

Ilan sa mga panuntunan na ipinatutupad ay first-come first-served basis at hanggang 15 sako ng tuyong palay lamang pinapayagang ipagiling ng libre kada magsasaka.

Kinakailangan din na magdala ng sariling sako ang mga gagamit ng pasilidad para sa kanilang bigas at darak.

Layunin na maalalayan sa gastusin ang mga magsasaka at patuloy na maisulong ang sektor ng agrikultura upang mapalakas pa ang produksyon ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments