Libreng pagpapauwi sa mga LSI sa Cebu City, hanggang katapusan pa ng Agosto, ayon sa PCG

Hanggang Agosto 31 pa matatapos ang alok na libreng sakay ng Cebu City Local Government Unit (LGU) at ng 2GO Shipping Lines sa mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Metro Manila na gustong umuwi sa Cebu City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), para maka-avail ng libreng ticket, magtungo lamang ang sinumang LSI sa pinakamalapit na 2GO company-owned store.

Paalala ng PCG, tiyakin lamang ng mga LSI na kumpleto ang kanilang travel requirements na itinakda ng kanilang LGU.


Bukod sa 2GO Travel ticket, kailangang dala rin ng mga ito ang valid Medical Clearance Certificate na isyu ng City Health Office, valid Philippine National Police (PNP) COVID Shield Travel Authority, valid government issued ID na patunay na residente ng Cebu City at valid Acceptance Certificate mula sa Barangay.

Mahigpit na paalala ng PCG na kailangang sundin ng mga pasahero ang health protocols tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield hanggang makarating sa Port of Destination.

Unang pinasimulan ng Cebu City LGU at 2GO Shipping Lines ang Libreng sakay noong Agosto 19.

Facebook Comments