LIBRENG PAGPROSESO NG PALAY PARA SA MGA MAGSASAKA, INAASAHAN SA ITATAYONG NFA MODERNIZED WAREHOUSE SA STO. TOMAS, LA UNION

Isinagawa na ang groundbreaking para sa pagtatayo ng modernized warehouse ng National Food Authority – La Union Branch sa Barangay Damortis, Sto. Tomas, na layong magbigay ng libreng post-harvest processing ng palay para sa mga lokal na magsasaka.

Ayon sa NFA, kapag natapos, magkakaroon ang warehouse ng rice mill at dryer, na magpapalakas sa kakayahan sa pagproseso at pagpapanatili ng kalidad ng bigas.

Layunin ng proyekto na palakasin ang agricultural at food infrastructure, bawasan ang post-harvest losses, at suportahan ang kita at produktibidad ng mga magsasaka.

Ang proyekto, na nagkakahalaga ng ₱84.8 milyon, ay bahagi ng ₱237-milyong regional budget para sa pagtatayo ng tatlong modernized warehouses sa rehiyon, kabilang ang itatayo rin sa Rosales, Pangasinan at Dingras, Ilocos Norte.

Facebook Comments