Manila, Philippines – Sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority ang may 6,000 mga biktima ng human rights sa ilalim ng Marcos regime na kinilala ng Human Rights Victims Board na mga eligible claimants ng Non-Monetary Reparation
Nilinaw ni TESDA Director General Guiling Mamondiong na ang kanyang tanggapan ay isa sa mga implementing partner ng HRVCB, ay hindi magbibigay ng tulong pinansyal sa mga human rights victims.
Sa halip, ang TESDA ay magkakaloob ng mga libreng pagsasanay na makakatulong sa mga myembro at kanilang mga pamilya para mabigyan sila ng tsansa na makapagtrabaho upang kumita o self-employment.
Sinabi ni Mamondiong na ang mga beneficiaries ay maaring pumunta sa malapit na TESDA Office upang mag-avail sa nasabing training programs.
Saka-sakaling hindi na puwede ang isang nabubuhay na human rights victim, ang benepisyo ay maaring makuha ng isa sa mga kuwalipikado nitong dependent.
Kapag natapos na ang training iindorso naman ng TESDA ang eligible graduate sa Public Service Employment Office ng Local Government Units para mabigyan sila ng trabaho.