LIBRENG PAGSUSURI SA MATA, INIHATID SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAUTISTA

Nagsagawa ng Optical Mission ang lokal na pamahalaan ng Bautista para sa mga senior citizen bilang bahagi ng mga programang pangkalusugan ng bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang libreng pagsusuri sa mata, konsultasyon, at vision assessment para sa mga nakatatanda mula sa iba’t ibang barangay.

Layon nitong matukoy ang kalagayan ng paningin ng mga benepisyaryo at maibigay ang angkop na payo o rekomendasyon.

Katuwang sa aktibidad ang isang pribadong eye care provider na sumuri sa mga pasyente.

Tiniyak naman ng tanggapan na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga health initiative para sa mga senior citizens. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments