Libreng Pailaw, Patuloy na Ipapatupad ng Department of Energy!

Cauayan City, Isabela – Patuloy parin ang programang libreng pailaw ng Department of Energy o DOE hindi lamang dito sa lalawigan ng Isabela kundi sa buong bansa.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Maria Louisa Demetria, ang pinuno ng Member Services Division ng Isabela Electric Cooperative 2 na may libreng metro, materyales at labor ang mga mahihirap nating kababayan dito sa lalawigan.

Sinabi pa ni Ginang Demetria na hinihintay na lamang ang isang bayan para isumite ang listahan at ipaparating na ito sa mga board of directors upang maaprubahan na ang nasabing programa.


Samantala umaabot na sa dalawampu’t isang libong maralita dito sa Isabela ang mabibinepisyuhan ng programang libreng pailaw na sakop ng Iselco 2.

Facebook Comments