LIBRENG PAMPERING SESSION NA HATID PARA SA LGU EMPLOYEES SA BAYAMBANG, MULING UMARANGKADA

Tila blessing in this guise ang taun-taong libreng pampering session na hatid para sa LGU employees sa Bayambang.
Sila ang mga kawani ng gobyerno na halos wala ng oras pumunta sa mga salon o makapag relaks man lang sa dami ng trabaho kaya sila ay hinandugan ng libreng haircut, back massage, pedicure, at manicure alinsunod sa ipinagdiriwang na anibersaryo ng Civil Service Commission ngayong taon.
Mula sa temang, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes,” nais ng HRMO na bigyang pagpupugay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa ganitong paraan at dahil bakas ang saya sa mga mukha nila ito’y naging karagdagang self confidence na rin para sa kanila. |ifmnews

Facebook Comments