Libreng Panonood Ni Pnp Chief Ronald Dela Rosa Sa Laban Ni People’S Champ Manny Pacquiao Vs. Jessie Vargas Sa Las Vegas

8

MANILA – Iimbestigahan ng Ombudsman ang ginawang panlilibre ni Senator Manny Pacquiao kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa nang manood ito sa laban ng pambansang kamao sa Amerika.Ayon sa Ombudsman – posibleng lumabag si Dela Rosa sa RA 6713 o ang code of conduct sa mga public officials.Hihingan ng Ombudsman ng pahayag sina Pacquiao at Dela Rosa at ipapasumite ang mga resibo sa ginastos ng Senador sa accommodation ng PNP Chief.Dinedma naman ito ni Dela Rosa at sinabing ang mahalaga ay hindi siya kurakot.Una nang inamin ni Pacquaio na siya ang nagbayad ng ticket sa eroplano at hotel ni Dela Rosa at ang pamilya nito habang nasa Amerika ng manood ng laban ng Senador.

Facebook Comments