LIBRENG PAP SMEAR AT IMPLANT INSERTION, ISINAGAWA SA BAYAMBANG BILANG BAHAGI NG WOMEN’S MONTH

Naging sentro ng makabuluhang pagdiriwang ng Women’s Month 2026 sa Bayambang ang kalusugan ng kababaihan matapos magsagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng Pap smear at implant insertion.

Sa tala, 26 ang sumailalim sa Pap smear, 15 ang nagpa-implant insertion, 13 ang nagpaalis ng implant, at 18 ang nagpa-reinsertion mula sa mga lumahok sa iba’t-ibang barangay.

‎Bahagi ang aktibidad ng kampanya para sa pagpapalakas ng kaalaman at suporta sa kapakanan ng mga kababaihan sa usapin ng reproductive health, lalo na sa maagang pagtuklas ng cervical cancer at paggamit ng ligtas at epektibong family planning methods.


‎Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng sapat na akses sa serbisyong pangkalusugan at ang pagsusulong ng karapatan ng kababaihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments