Libreng Parking Areas sa Baguio!

147

Baguio, Philippines – Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa Baguio City ngayong long weekend ay nagkalat ang mga “Free-Parking signs” sa buong lungsod. 

Makikita sa ilang mga lugar sa buong Baguio City ang mga nagbukasang parking lot upang mabawasan ang mga sasakyang nakaparada sa mga gilid ng kalsada. 

Inaasahan namang mas lalala pa ang traffic na mararanasan pa sa daragsang mga bisita sa huling linggo ng Panagbenga Festival. Sa Marso a-dos at a-tres ang inaabangang Street Dance Competition at Float Parade susundan naman ng pagsasara ng Session Road hanggang Marso a-diyes para sa Session Road in Bloom.

iDOL, ready kana ba sa pagdagsa ng tao?

Facebook Comments