Libreng Prepaid Home Wi-Fi, maagang pamasko ng LBMS team sa bagong winners ng ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’

Lumabas muli ang mga anchor ng programang Laughter is the Best Magazine Show o LBMS para ihatid ang maagang pamasko na hatid ng Radyo Trabaho.

Unang nilusob ng LBMS team ang bahay ni Lalyn Celebre sa Quezon City para personal na iabot sa kaniya ang napanalunan niyang libreng Prepaid Home Wi-Fi.

Ayon kay Celebre, inanyayahan siya ng kaniyang biyenan na makinig din sa DZXL 558 at sumali sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’.


Pinalad naman na mabunot si Celebre sa week 13 raffle draw.

Sa ngayon, 19 na masusugid na mga taga-pakinig na ang nakatanggap ng libreng Prepaid Home Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho.

Madadagdagan pa ito mamayang hapon dahil pupuntahan naman ng LBMS team sina Christian Nocon at Elyn Quijada Vidal na kapwa taga-Tondo, Maynila.

Samantala, para magkaroon din ng pagkakataong manalo ng libreng Wi-Fi, sumali na at tumawag sa DZXL hotline 8882-2374 kapag narinig ang Radyo Trabaho jingle sa inyong talapihitan.

Sa mga nais namang sumali online, i-like ang RMN DZXL 558 Manila Facebook page at sundin ang mga mechanics para magkaroon ng raffle entry.

Facebook Comments