Dalawampu’t anim na senior citizen sa Manaoag ang nabigyan ng libreng pustiso sa ilalim ng programang Ngiting Pamasko, Para sa Gintong Edad ng Municipal Health Office Dental Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.
Layunin ng programa na maibalik ang ginhawa at kumpiyansa ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng agarang dental prosthesis na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Natukoy ang mga benepisyaryo sa tulong ng Office of the Senior Citizens Affairs at pinondohan naman ng MSWDO.
Ayon sa lokal pamahalaan, ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan para sa nakatatandang sektor sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









