Libreng sakay, alok sa mga pasaherong maapektuhan ng transport strike

Magpapakalat ng bus augmentation ang gobyerno bilang tulong sa mga maapektuhang pasahero ng tigil-pasada ngayong araw.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III – maliban sa bus augmentation ay babantayan din ang posibleng pagharang ng mga nagwewelga sa mga kapwa tsuper.

Katuwang ng LTFRB ang Inter-Agency Council for Traffic, MMDA, PNP-HPG at mga Local Government Unit (LGU) para tiyaking tulu’y-tuloy ang pagbiyahe ng mga commuter.


Samantala, magkakaroon ng libreng sakay sa Quezon City mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

May alok ding libreng sakay sa Pasig at Marikina, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at ala-1:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Facebook Comments