Libreng sakay at fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon, malapit nang ipatupad ng LTFRB

Malapit nang ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang libreng sakay at fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, may mga tinatapos na lang na detalye ang ahensya at Department of Budget and Management (DBM) kung saan aabot sa P1.7 billion sa service contracting program at P2.5 billion naman para sa fuel subsidy.

Aniya, ito ang nakikitang solusyong ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng produktong petrolyo.


Sa ilalim ng fuel subsidy, hindi lang ang pampasaherong jeep ang masasakop kundi pati na rin bus, taxi, at UV Express.

Aabot sa P6,500 ang one-time fuel subsidy na matatanggap ng kada-unit ng pampublikong sasaksyan

Target ng ahensya na simulan na ang fuel subsidy at service contracting program sa sandaling ibaba na ng DBM ang pondo para dito.

Facebook Comments