Manila, Philippines – Nag-alok ngayon ng libreng sakay sa kanilang eroplano ang Cebu Pacific para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded sa Hong Kong matapos na magkaroon ng problema sa pagbo-book ng kanilang biyahe.
Sa pahayag ng Cebu Pacific, nakahanda silang tumulong sa ilang OFWs na makauwi ng Pilipinas para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong pasko.
Maglalaan sila ng limampung upuan sa kanilang flight na 5J 110 na bi-biyahe sa Disyembre 25 para sa OFWs na nais umuwi.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong para sa pagbiyahe ng mga nasabing OFWs.
Facebook Comments