Libreng sakay dahil sa baha, inilunsad sa Maynila

Naghandog ng libreng sakay ang pamahalaan ng Maynila upang matulungan ang mga stranded sa kalsada dahil sa mga pagbaha dulot ng masamang panahon.

Katuwang sa paghahatid ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) na nag-deploy ng mga bus at truck.

Ang mga ito ay may ruta mula Quiapo hanggang Angono, Rizal; Quiapo hanggang Fairview, Quezon City; at Lawton hanggang Alabang, Muntinlupa City.

Nagkasa rin ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Maynila na may ruta naman mula España blvd., hanggang Welcome Rotonda vice versa at Taft Vito Cruz hanggang Doroteo Jose at vice versa.

Kanina, personal naman na ininspeksiyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang sitwasyon sa ilang binahang kalsada partikular sa bahagi ng Taft Avenue sa may Philippine General Hospital (PGH).

Ipinag-utos ng alkalde ang agarang declogging sa mga drainage sa bahagi ng Taft na binaha upang mapabilis ang paghupa ng tubig.

Facebook Comments