Libreng sakay, handang ipatupad ng PNP kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng mga bus para sa “libreng sakay” kung kakailanganin.

Ito ay kasunod na rin ng pagbubukas ng klase ngayong araw at ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ipauubaya na nila sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Education (DepEd) ang desisyon kung kakailanganin ang mga karagdagang bus mula sa PNP.


Anumang oras aniya ay nakahandang umagapay ang kapulisan.

Samantala, bahagi ng paghahanda ng PNP ang pagbabantay ng Highway Patrol Group (HPG) sa mga kolorum na sasakyan na maaring samantalahin ang sitwasyon dahil sa inaasahang malaking bilang ng pasahero sa mga daan ngayong unang araw ng pasukan.

Facebook Comments