Libreng sakay handog ng LRT 1 at MRT 3 sa Hunyo 12

47
Image via Official Gazette PH

Bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan, inanunsyo ng Light Rail Transit (LRT 1) at Metro Rail Transit (MRT 3) ang kanilang libreng sakay sa Hunyo 12.

Ayon sa dalawang tanggapan, magsisimula ito ng 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at magbabalik ng 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.


Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng LRT 2 kung magkakaroon din sila ng parehong serbisyo.

Ipagdiriwang ngayong taon ang ika-121 anibersaryo ng deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers