Libreng sakay, ibabalik ng LTFRB sa Nobyembre

Muling ibabalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang libreng sakay program sa susunod na buwan.

Sa ginanap na pagpupulong sa Quezon City, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz, na sakop ng libreng sakay ang mga pampublikong sasakyan gaya ng bus at jeep bilang maagang pamasko para sa mga commuter.

Ayon kay Chairman Guadiz, aabot sa ₱1.3-B ang ibababa ngayong linggo na pondo matapos aprubahan ang joint circular para dito.


Prayoridad na maserbisyuhan ng proyekto ay ang mga bumibiyahe pauwi ng probinsya.

Sisimulan sa Nobyembre ang programa na asahang magpapagaan sa mga pasahero ngayong kapaskuhan.

Sa ngayon, sinisilip na ng ahensya ang kabuuuang bilang ng mga pampublikong sasakyan na masasakop sa naturang programa.

Facebook Comments