Libreng sakay, ikakasa ng lokal na pamahalaan ng Caloocan kasabay ng transport strike bukas

Magsasagawa ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Caloocan kasabay ng ikakasang transport strike.

Sa inilabas na abiso ng Caloocan, nakahanda na ang mahigit 30 rescue vehicles kabilang ang dalawang bus.

Ito’y para agad na makatulong sa pangangailangan ng mga taga-Caloocan na posibleng maapektuhan ng transport strike.


Iikot ang mga nasabing sasakyan sa ilamg lugar sa Caloocan para hindi maabala ang mga papasok sa paaralan at trabaho.

Nagbigay ng direktiba ang lokal na pamahalaan sa Caloocan Police na pag-igtingin ang pagbabantay lalo na sa mga pangunahing kalsada sa loob ng dalawang araw na tigil pasada.

Bukod dito, umaasa ang Caloocan LGU na mananatili ang kaayusan at kapayapaan sa pagkakasa ng ilang grupo ng tigil pasada kung saan wala sanang pwersahan o kaguluhan na mangyari.

Facebook Comments