LIBRENG SAKAY | MRT-3, magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa sa Labor Day

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa ang Metro Rail Transit (MRT-3) sa Labor Day sa May 1.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipakita lamang ang ID ng mga manggagawa mula sa public at private sectors.

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang sa alas-7:00 ng gabi.


Bibigyan aniya ng magnetic card ang mga pasahero para makapasok sa MRT service gates at iiwan kung saang istasyon sila bababa.

Kasabay nito, ikinakasa rin ng DOLE ang sabay-sabay na “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan job and Business Fairs” sa buong bansa.

Facebook Comments